Sunday

Businessman Brother Cannot Come To Terms?

Pilipino Star Ngayon, Thursday, June 25, 2009

BANAT NI BATUIGAS, by Bening Batuigas

English Translation

It appears that the feud between this businessman and his younger brother can no longer be mended despite efforts of friends and relatives to patch up their worsening break up. He, he, he! This is the major problem feared by their employees hoping that there will be a solution to this continuing conflict between the brothers. And if this will not be settled by the brothers, it will surely lead to widespread layoffs of employees. This is the sentiment relayed to me by employees of the brothers whom I talked to. Last Saturday, the businessman summoned all the high officials and supervisors of all his companies and directed them not to even attempt to talk to his brother. They waited for about two hours before the businessman arrived with his lawyer who made the announcements of directives that the businessman wished to implement. Said officials were demoralized when the lawyer declared the directives of the businessman; and that if they wanted to keep their jobs they should not talk to or help the younger brother. He, he, he! It was as if ice were poured behind the backs of the officials when they heard the directives. Although they were shocked at the directives, many of the officials were worried because they would have an extremely difficult time complying as the brother is still a stockholder of the companies. As a result, these officials are in a quandary thinking about their bosses' big mess. It seems that the old saying, "blood is thicker than water", has lost its meaning in this feud between the two brothers. Is this not the case, my faithful readers? How could the employees avoid the situation they are placed in when the brother still has substantial shares in these companies; even if he were removed from his positions. Henceforth, the poor employees of the companies are placed between colliding rocks not of their own making. He, he, he! Big riddles abound in the business community with regards to the shifting versions of the fight between the brothers. It has been proven that not a single centavo has been stolen by the brother from the companies. When matters got worse, however, the businessman accused the brother of embezzling large sums which resulted in losses in some of the companies.

As a result, there is a call from businessmen who are concerned about the employees' welfare to release the shares of the brother to him so that they can go their separate ways if there is no real chance of patching up.

To be continued...
________________________

Di-magkasundo ang magkapatid na negosyante

Mukhang hindi na talaga magagawan ng paraan na maayos and gusot sa pagitan ng isang negosyante at nakababatang kapatid nito sa kabila ng pagsusumikap ng ilan nilang mga kaibigan at kaanak na mapigilan ang lumalalang hidwaan. He, he, he! Ito pangunahing dahilan ng pinangangambahan ng mga empleyadong umaasa pang magkaroon ng solusyon ang patuloy na pagbabanggaan ng magkapatid. At oras umano na hindi ito masolusyunan ng magkapatid ay tiyak na hahantong ito sa malawakang sibakan sa trabaho. Ito ang hinaing na ipinarating sa akin ng ilang trabahador ng magkapatid nang aking makausap. Noong Sabado ng umaga, ipinatawag ng negosyante ang lahat ng mataas na opisyal at supervisor ng lahat ng kompanyang kanilang pag-aari upang pagsabihan ang mga ito na huwag nang magtangka pang kausapin ang kanyang kapatid. Humigit-kumulang sa dalawang oras na naghintay and mga opisyal ng iba't ibang kompanyan pag-aari ng negosyante bago ito dumating kasama ang kanyang abogado na siyang nag-anunsiyo ng mga direktiba na nais ipatupad ng negosyante. Nanlumo ang mga opisyal nang ipahayag ng abogado ang nais ng negosyante sa mga kompanya at nagbanta ito na huwag nang makikipag-usap o tumulong sa kanyang kapatid kung nais pa nilang manatili sa kanilang tungkulin. He, he he! Parang binuhusan ng yelo ang mga opisyales nang marinig ang kautusan. Bagama't nabigla sa naturang direktiba, marami sa mga opisyal ang nangamba dahil bukod sa nananatili pa ring stockholder ng mga kompanya ang kapatid, mahihirapan silang tumugon o sundin ang kautusan. Kaya ngayon, parang hilong talilong sa kaiisip ang mga opisyales sa gusot ng kanilang mga bossing. Mukhang masisira ang matandang kasabihan na "blood is thicker than water" sa bangayan ng magkapatid, di ba mga suki? Paano nga naman nila maiiwasan ang ganitong sitwasyon gayong may malaki pa ring share yung isa sa mga kompanya ng kanyang kapatid kahit sinibak na ito sa puwesto. Kaya't ang mga kawawang trabahador ng mga kompanya ay naiipit sa nag-uumpugang bato na hindi naman nila kasalanan. He, he, he! Malaking palaisipan ngayon sa hanay ng business community ang paiba-ibang bersiyon umano ng pag-aaway ng magkapatid dahil noon pa man ay pinatunayan nung isa na wala kahit isang sentimo na kinulimbat sa kanilang mga kompanya ang kapatid subalit nang lumala na ang bangayan ay pinagbibintangan na ng una ng hulo na nakapaglustay ng malaking halaga na ikinalugi ng ilan nilang kompanya.

Kaya't sa ngayon ay malakas ang panawagan ng mga negosyanteng nagmamalasakit sa mga trabahador na ibigay na lamang ang shares ng kapatid upang magkanya-kanya na sila ng landas kung talagang wala nang pag-asang magkasundo pa.

Abangan...

3 comments:

Anonymous said...

sabi daw dalawang bagong balita. isa lang ang nasa web ngayon. mayroon pa ba?

Anonymous said...

The other one is entitled "Lucio Tan's Trickery and Deceit?"

Anonymous said...

Pagod na pagod kami dito sa mga abuso ng kapitan natin. Parang mga taga-gobyerno kami dito kung anu ano pinapagawa sa amin.

Inaabuso rin kami ng mga ilang mga Mrs. Lucio Tan. Opo na lang kami ng opo.

Ginagalang namin ang mga kabit at binabastos namin ang nagpatayo ng kumpanya. Nakakaloko to