Sunday

In PAL, life ends at 40

http://www.abs-cbnnews.com/video/business/09/11/10/pal-life-ends-40

First-timers ang bansag sa kanila ng unyon sa Philippine Airlines (PAL) sa mga Flight Attendants and Stewards' Association of the Philippines (FASAP).

Ngayon lamang sasali sa labor dispute sa pagitan ng unyon at ng PAL management.

Karamihan sa flight attendants ay nagsimula noong 2007.

Sina Louise Navarro at Hanina Han, mga dating cabin crew ng PAL ang mga magulang.

Bata pa sila, pinangarap nang maging flight attendants.

"Baby pa lang. I was practicing, both of us, pretending to be FAs in the house",ani Navarro.

"I don’t have any plans of applying to other airlines because I’m so proud working with Philippine Airlines",pahayag naman ni Hanina.

Ang masaklap dahil sa tinatawag nilang gender discrimination, unti-unti umanong pinapatay ng PAL ang kanilang career.

Ipinaglalaban nila rito na dapat ay amyemdahan ang itinakdang retirement age na 40 batay sa collective bargaining agreement.

Bukod sa retirement age, isyu rin nila ang hindi pagkamit ng minimum wage.

Matatandaan na tumatanggap lamang ng basic pay ang bawat flight attendant ng P8,600, na mababa sa minimum wage.

"Many say that life beings at 40. In PAL it ends at 40 years old",pahayag ni Navarro sa media.

Kaya sa itinakdang strike ng flight attendants sa katapusan ng Oktubre o unang linggo ng Nobyembre, 100% daaw ang sasali.

Sa panig naman ng PAL, nanatili silang tapat sa kanilang negosasyon sa FASAP.

Hinimok nila ang mga miyembro na makipag-negosasyon muli at dahil natanggap na ng labor department ang notice of strike, mahigit isang buwan pa ang cool off period.

Ayon naman sa labor department, batay sa kanilang datos nitong taon lamang, aabot na sa 100 ang natatanggap nilang notice of strike mula sa mga kompanya sa National Capital Region.

Susubukan nilang maplantsa ang mga labor dispute na ito para hindi na humantong sa tigil-trabaho. - Alex Santos, Patrol ng Pilipino

2 comments:

Anonymous said...

This is terrible. What's going on at PAL? I heard a year ago that a flight attendant got hurt on an international flight to macau but this was kept hush hush. The plane almost crashed. I hope she is okay and was compensated for that.

Anonymous said...

I also heard of that. The flight attendant was hurled out of her seat and a child in the lavatory hit the ceiling. I doubt they got compensated but they should.